Thursday, January 23, 2025

HomeNews60-year-old na Tingib Dam sa Leyte, planong i-rehabilitate ng NIA

60-year-old na Tingib Dam sa Leyte, planong i-rehabilitate ng NIA

Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) ang plano nitong i-rehabilitate ang 60-anyos na Tingib Dam ng Binahaan River Irrigation System sa Pastrana, Leyte upang matiyak ang patuloy na serbisyo sa mga magsasaka.

Binisita ni NIA Acting Administrator Eddie Guillen at ng mga pangunahing opisyal ng rehiyon ang dam noong Huwebes, Marso 23, 2023 upang makita ang mga kakailanaganin para i-rehabilitate ang istraktura.

“Recognizing the importance of irrigation in agriculture, Tingib Dam’s mission to continuously improve the agricultural sector of Leyte province remains to be relevant,” sabi ng NIA regional office sa isang pahayag noong Biyernes.

Ang Tingib Dam ng Binahaan River Irrigation System ay kasalukuyang nagsisilbi sa 5,726 ektaryang mga bukirin sa mga bayan ng Pastrana, Sta. Fe, Alangalang, Palo, Dagami, Tabontabon, at Tanauan, at sa 4,569 farmer-beneficiaries.

Hindi pa sinabi ng ahensya ang timetable at ang halaga ng proyekto.

Sa isang press briefing, sinabi ni Guillen na bumibisita siya sa mga rehiyon para personal na ipaliwanag sa mga magsasaka ang mga programa ng kanilang ahensya.

Pinamunuan din niya ang pagsasagawa ng Regional Confederation of Irrigators Associations Business Opportunities and Convergence Forum sa lungsod.

Ito ay layuning palakasin ang ugnayan at partnership ng ahensya sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtataguyod ng transparency sa pagpapaunlad ng irigasyon at pagpapatupad ng mga proyekto ng patubig ng NIA.

Pinalalakas ng NIA ang mga proyektong convergence initiative na magsusulong ng pagkakaisa sa mga opisyal at empleyado ng NIA, mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga non-government organization, mga yunit ng lokal na pamahalaan, mga asosasyon ng irrigators, mga magsasaka, at publiko.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe