Friday, January 24, 2025

HomeRebel News6 na sundalo, sugatan sa pagsabog ng landmine na itinanim ng mga...

6 na sundalo, sugatan sa pagsabog ng landmine na itinanim ng mga hinihinalang NPA sa Las Navas, Northern Samar

Nasa anim (6) na miyembro ng 20th Infantry Battalion sa ilalim ng 8th Infantry Division (Philippine Army) ang sugatan matapos ang naganap na pagsabog ng mga anti-personnel landmine na itinanim umano ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army sa Brgy. Quirino, Las Navas, Northern Samar bandang alas 5:30 ng madaling araw, December 18, 2022.

Pinaniniwalaang miyembro ng Sub-Regional Committe “Arctic” of the Eastern Visayas Regional Party Committee na pinamumunuan ni alyas Tara ang itinuturong responsable sa naturang pananambang.

Batay sa ulat, sa tulong ng 803rd Infantry (Peacemaker) Brigade gamit ang isang unit ng Sikorski S70i (blackhwak) ay nadala naman agad ang mga casualties sa Eastern Visayas Medical Center para sa atensyong medikal.

Napag-alaman na ang mga sugatang tropa ng Philippine Army ay nagbabantay lamang umano sa water system project na kasalukuyang isinasagawa sa naturang lugar.

Kaugnay dito, ang Barangay Quirino ay isa lamang sa pitong (7) mga barangays sa Bayan ng Las Navas, Northern Samar na nakatanggap ng proyekto matapos maglaan ng tig-Php4 Million peso ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng Barangay Development Program.

Matatandaang, sunod-sunod ang ulat na pagpapasabog sa nasabing bayan nitong nakaraan kung saan dalawa din ang naitalang nasawi at apat (4) na miyembro ng kapulisan at community support team ng 20th Infantry Battalion ang sugatan matapos ang naganap na pagsabog ng anti-personnel mines sa Brgy. San Miguel, Las Navas, Northern Samar noong April 3, 2022.

Nasa pito (7) na sundalo naman ang sugatan sa isang hiwalay na insidente ng pagsabog ng anti-personnel mine ang naganap noong July 5, 2022 sa Barangay Magsaysay, Mapanas, Northern Samar.
Sinundan din ito nitong nakaraang July 19 kung saan isang sundalo ang naitalang patay at limang (5) sundalo din ang sugatan matapos ang insidente ng pagpapasabog ng anti-personnel mines ng mga miyembro ng NPA ang naganap sa Brgy. Osang sa bayan ng Catubig, Northern Samar.

Dahil dito, nanawagan si Lieutenant Colonel Joemar Buban, Battalion Commander ng 20IB sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng imbestigasyon at maglabas ng pahayag kaugnay sa mga sunod-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng NPA laban sa tropa ng pamahalaan dahil ito umano ay paglabag sa Ottawa Convention, International Humanitarian Law at Republic Act. 9851.

Sa isang panayam, kinundena ni 8th Infantry “Stormtroopers” Division Comander Major General Camilo Z. Ligayo ang walang habas na pagpatay ng mga miyembro ng NPAs gamit ang Anti-Personnel Mines na aniya matagal nang ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe