Wednesday, December 4, 2024

HomeRebel News6 na NPA, patay sa sagupaan sa Negros Occidental

6 na NPA, patay sa sagupaan sa Negros Occidental

Patay ag anim na kasapi ng New People’s Army sa hiwalay na engkwentro sa Barangay Tabugon, Kabankalan City sa Negros Occidental nito lamang gabi ng Huwebes, Setyembre 21, 2023.

Kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Alejo Delos Reyes, na kilala rin bilang Peter/Bravo, Squad leader ng Squad 2 ng Sangay Yunit Propaganda (SYP) Platoon 3; Marjon Alvior, kilala rin bilang Kenneth, Vice Squad Leader ng Saquad 2, SYP Platoon 3; Bobby Pedro, kilala rin bilang Recoy, Vice Squad Leader of Squad 3 ng parehong platoon; Mario Fajardo Mullon, kilala rin bilang Reco/Goring, Medic of Squad 1 mula sa parehong platoon; Melissa Dela Pena, kilala rin bilang Diane, ang asawa ni alias Bravo; at isa pang hindi nakikilalang miyembro ng grupo.

Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon umano ng extortion activity ang nasabing grupo sa lugar na agad namang isinumbong ng mga concerned citizen sa mga tauhan ng 47th Infantry Battalion ng Philippine Army na agad namang rumisponde na nagresulta sa sagupaan sa pagitan ng dalawang panig.

Samantala, narekober naman ng mga awtoridad ang mga sumusunod na kagamitang pandigma mula sa lugar ng encounter site: apat na Cal. 45 pistol, isang Cal. 38 revolver, isang granada, iba’t-ibang magasin at bala para sa Cal. 45 at Cal. 38; at iba pang mga kagamitan at mga subersibong dokumento.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow up operation ang mga awtoridad upang imbestigahan at tuntunin ang iba pang mga natitirang kasapi ng naturang rebeldeng grupo para tuluyan na itong mabuwag at hindi na makapaghasik pa ng krimen sa buong lalawigan ng Negros Occidental.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe