57 patay, 67 missing dulot ng pananalasa ng bagyo sa Negros Island

    0
    102

    Tinatayang umakyat na sa 57 ang nasawi habang 67 naman ang patuloy pa ring nawawala matapos humagupit si bagyong tino sa Negros Island Region, ayon sa datos nitong November 6, 2025.

    Ayon pa sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa 44 ang nasawi sa Negros Occidental, kabilang na ang 12 sa La Castellana, pito sa Hinigaran, tig-aanim sa Bago City at Moises Padilla, apat sa La Carlota City, tatlo sa San Carlos City, dalawa sa Murcia, at tig-iisa naman sa mga bayan ng Isabela, Pontevedra, Binalbagan, at Himamaylan City.

    Samantala, 53 indibidwal naman ang nananatili pa ring missing, kabilang na ang 21 sa La Castellana, 11 sa La Carlota City at Moises Padilla, lima sa Bago City, tatlo sa Isabela, at dalawa naman sa Hinigaran.

    Sa Negros Oriental, 13 naman ang naitalang nasawi, kabilang na ang 12 sa Canlaon City at isa naman sa bayan ng Vallehermoso. Mayroon ding 14 pang mga missing individuals sa Canlaon City.

    Sa pinakalatest na report ng Office of the Civil Defense, nasa 49,926 pamilya o 171,838 indibidwal, at 513 mga barangay sa buong rehiyon ang lubos na naapektuhan sa hagupit ng nagdaang bagyo.