Friday, November 22, 2024

HomeNews5 LGU Employees, nakaligtas sa pamamaril sa bayan ng Leyte

5 LGU Employees, nakaligtas sa pamamaril sa bayan ng Leyte

Himalang nakaligtas ang limang empleyado ng Local Government Unit sa Palompon, matapos pagbabarilin ng tatlong mga suspek nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 14, sa isang housing project ng National Housing Authority sa Palompon, Leyte.

Kinilala ang mga biktima na sina Aniano Noynay Jr., 47; Christopher Rojas, 44; Jessie Book, 38; Edgardo Ponso, 52; at Ranulfo Andales, 60, mga residente ng nasabing munisipalidad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naka-duty ang mga biktima bilang watchmen sa kanilang outpost sa bukana ng housing project sa Brgy. Cangmoya nang bigla na lang silang pinagbabaril.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rogelio Sumudlayon, at ang kanyang mga kapatid na sina Richard at Ericson.

Maswerte namang nakababa sa outpost ang mga biktima at nakapagtago. Wala namang naiulat na tinamaan sa kanila. Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa Brgy. Magsaysay, Palompon, Leyte.

Samantala, nakita naman ng mga rumespondeng pulis ang tatlong butas ng bala sa corrugated wall cover ng kanilang dirty kitchen na katabi ng temporary guard house, dalawang butas ng bala sa rice cooking pot, at isang butas ng bala sa kisame ng guard house. Narekober din sa pinangyarihan ang 22 basyo ng kalibre 45 na pistol.

Isang hot pursuit operation naman ang inilunsad ng lokal na pulisya para sa pagkakadakip sa mga suspek habang patuloy namang inimbestigahan  ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa naturang pamamaril.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe