San Jose de Buenavista, Antique- Tinatayang nasa 480 kabahayan sa lalawigan ng Antique ang makakabenepisyo sa itatayong bagong Electric Cooperative sa 23 sitio sa probinsiya nitong second quarter ng 2023.
Ayon kay Jerose Mioten, Officer-in-Charge ng Antique Electric Cooperative, layunin ng naturang electrification program na makapagbigay serbisyo sa limang bayan sa Antique sa pamamagitan ng Antique Electric Cooperative (Anteco).
Ang naturang kooperatiba ay may pondo mula sa National Electrification Administration (NEA) na nagkakahalaga ng Php100 milyon.
Ang 23 sitio na magiging benepisyaryo ng programa ay mula sa mga bayan ng Tobias Fornier, Hamtic, San Jose de Buenavista, Sibalom, San Remigio, Belison, Patnongon, Culasi at Sebaste.
Dagdag pa ni Mioten na mayroon pang 75 sitio sa lalawigan ng Antique na nananatiling wala pa ring elektrisidad.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob lamang ng 180 araw.