Saturday, January 11, 2025

HomeNews4,375 estudyante, tumanggap ng Educational Assistance mula sa lokal na pamahalaan ng...

4,375 estudyante, tumanggap ng Educational Assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Calbayog City

Tumanggap ng educational assistance ang 4,375 na mga estudyante mula sa lokal na pamahalaan ng Calbayog City na isinagawa sa Brgy. Bagacay Covered Court nitong Agosto 5, 2023.

Dumalo sa nasabing pay-out si Mayor Raymond C Uy, Vice-Mayor Rex Daguman, City Councillors, City Treasurer Office sa pangunguna ni Ms. Ma. Evelyn Junio, Brgy. Officials ng 20 Barangay at Community Program Coordinators.

Ayon kay Uy, muling magbibigay ng assistance para sa 1st Sem sa Oktubre o Nobyembre bago matapos ang 1st sem ngayong taon.

Tuloy-tuloy ang programang ito hanggang may mga Calbayognon na nag-aaral at sisikapin na makatulong. Dahil limitado sa NWSSU ang enrollment sa programang ito, kahit saan ka man nag-aaral sa loob ng Pilipinas ay maaari kang makatanggap ng Educational Assistance dahil mas kailangan nila ito basta ikaw ay Calbayognon.

Dagdag pa niya, last sem ay may 2,500 at sa ngayon ay may 4,375 na mga estudyante na kanilang tinanggap. Kasama ang educational assistance sa annual budget ng syudad kada taon.

Kaya ang kanyang inaasahan sa mga estudyante na sana hindi sayangin ang mga binigay na ayuda ng syudad, pagbutihing mag aral at huwag munang mag isip na mag-asawa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe