Sunday, November 24, 2024

HomeNews430 libong sako ng binhi nakatakdang ipamahagi sa Western Visayas

430 libong sako ng binhi nakatakdang ipamahagi sa Western Visayas

Nakatakdang ipamahagi sa Western Visayas ang nasa 430, 196 sako ng mga inbred seeds para sa 223, 156 na magsasaka sa rehiyon.

Ang naturang mga binhi ay mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay James Earl Ogatis, Chief, Regional Agri-Fishery Information Section ng DA Western Visayas, ang lalawigan ng Iloilo ang may pinakamaraming alokasyon ng binhi na may 166,351 sako;  sumunod naman ang Negros Occidental na may 101,216 sako; Capiz may 63,391 sako;  55, 735 naman sa Antique; 31, 975 sa Aklan; habang 11, 528 naman sa Guimaras.

“The allocation per province was determined based on the rice area. Our allocation was higher when compared with last year’s 291,219 bags since Iloilo and Guimaras were already included. Last year the focused for the two provinces was high-breed rice,” dagdag pa ni Ogatis.

Ang naturang mga binhi na ipapamahagi ay nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Program ng pamahalaan. Layunin nitong mabigyan ang mga magsasaka ng sapat na binhi upang tiyak na makatulong sa produksyon ng palay hindi lamang sa Rehiyon 6 kundi pati na rin sa buong bansa.

Magsisimula ang tag-ulan at ang planting season simula Marso 16 hanggang Setyembre 15.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe