Tuesday, December 24, 2024

HomeJob Openings41K na mga Ilonggo, nakahanap ng trabaho sa 103 BPO firm

41K na mga Ilonggo, nakahanap ng trabaho sa 103 BPO firm

Tinatayang nasa 41K na mga Ilonggo ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Business Process Outsourcing o BPO firm.

Iyan ay ayon kay Joeven Tansi, Executive Director ng Iloilo Federation of Information Technology (I-FIT) sa isa nitong pahayag kamakailan lamang.

Dagdag pa ni Tansi na tinatayang nasa 103 BPO firm ang kasalukuyang nagbibigay ng trabaho sa nasabing mga mamamayan habang nangangailangan pa ito ng karagdagan pang 12,000 employees.

Sinabi rin ni Tansi na inabisohan na nila ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magsasagawa na ng mga naaayong pagsasanay para sa mga nagbabalak maging BPO worker.

Kabilang sa mga nangangailangan ng empleyado ang IQOR, isa sa mga malalaking BPO company sa Iloilo City. Ang IQOR ay mayroong kasalukuyang 4,000 na Ilonggo na mga empleyado at inaasahang magdadagdag pa ng nasa 1,200 pang mga BPO workers sa susunod na mga buwan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe