Thursday, January 23, 2025

HomeNews4,000 pulis sa Central Visayas, ipapakalat para sa Semana Santa

4,000 pulis sa Central Visayas, ipapakalat para sa Semana Santa

Mahigit 4,000 pulis ang ipapakalat sa buong Central Visayas para i-secure ang Holy Week sa mga simbahan at pampublikong lugar.

Dumalo si Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng Police Regional Office (PRO 7) sa send-off ceremony nitong Martes, Abril 4, sa Cebu City Police Office (CCPO) headquarters kung saan inutusan niya ang kanyang mga tauhan na maging laging alerto laban sa lahat ng uri ng krimen habang nasa trabaho.

Susuriin ni General Aberin ang mga daungan, mga terminal ng bus, at iba pang mga relihiyosong lugar kung saan maraming tao ang nagtitipon.

Aniya, mahaharap sa kasong administratibo ang mga pulis na wala sa kanilang itinalagang puwesto sa panahon ng inspeksyon.

Nangako si General Aberin na magpapadala ng request sa punong tanggapan sa Camp Crame sa Quezon City para sa paglipat ng sinumang pulis na patuloy na susuway sa kanyang utos.

“Ang kailangan natin dito ang matapat at saka toe the line na mga police officers,” saad ni Aberin.

Nais ng pinakamataas na opisyal ng pulisya sa Central Visayas na makita ang kanyang mga tauhan sa mga lansangan para makatulong sila sa pag-asikaso ng problema sa trapiko sakaling mangyari ito.

“Mag i-inspect ako at may inspection teams tayo yung mga duty officers natin. Na delegate natin yung inspection of course to the city director nag create na siya ng inspection teams and of course kung remiss yung mga na deploy they will be administratively sanctioned and worst baka ma-relieved pa sila at matapon sa ibang lugar,” pagdidiin nito.

Inatasan ni General Aberin ang mahigit 400 pulis ng CCPO na tugunan ang mga indibidwal na may “po” o “opo” para magpakita ng paggalang.

Ipinag-utos niya sa mga tanggapan ng pulisya ng lungsod at probinsiya sa buong rehiyon na ituon ang kanilang deployment sa mga lugar na madaling kapitan ng krimen upang pigilan ang mga kriminal na lumabag sa batas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe