Wednesday, December 25, 2024

HomeNews4 Negrense scholars, napiling magtrabaho sa Japan

4 Negrense scholars, napiling magtrabaho sa Japan

Bacolod City- Labis ang pasasalamat ng apat na mga Negrense scholars bilang mga napili upang magtrabaho sa Japan, ito ay matapos silang mag courtesy visit kay Negros Occidental Provincial Administrator Lawyer Rayfrando Diaz II sa Provincial Capitol sa Bacolod City nito lamang Biyernes, Oktubre 21, 2022.

Ang apat na mga iskolar ay sina Ember Ruth Nombre mula sa Himamaylan City, Marjoe Javier ng Kabankalan City, at sina Neil Arevalo at Keith Ian Centillas ngTalisay City.

Kabilang rin sa dumalo sa nasabing courtesy visit sina Negros Occidental Scholarship Program Head Karen Dinsay at sina Shigemi at Thelma Watanabe ng Oisca Bago Training Center.

Napili ang apat ng iba’t ibang kompanya sa Japan sa pamamagitan ng Oisca International kung saan nabigyan din sila working visa.

Ang naturang mga iskolar ay produkto ng Provincial Government Scholarship Program, at sa pagtutulungan ng OISCA International, Japan at OISCA Bago Training Center.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe