Sunday, July 7, 2024

HomeNews4 na miyembro ng Tau Gamma, huli matapos manakit ng lalaking tumitig...

4 na miyembro ng Tau Gamma, huli matapos manakit ng lalaking tumitig sa kanila

Apat na miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang inaresto matapos umanong bugbugin ang isang lalaking nakatitig sa kanila habang sila ay lumalangoy sa Cambuhawe Spring sa Barangay Cambuhawe, Balamban, Cebu pasado ala-1:00 ng hapon noong Huwebes, Mayo 25, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Kyle Jake Basbas Abadinas, 22; Brandon Jay Saga Pacquiao, 21; Bernie Sarsalejo Jr, 22; at Kenneth Basbas Abadinas.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Agripino Seblos Mongosera, 18.

Kapwa taga Balamban ang biktima at ang mga suspek.

Ang unang tatlong suspek ay naaresto sa isang follow-up operation, habang si Kenneth, na kasama ng kanyang ina, ay sumuko sa pulisya noong tanghali ng Biyernes, Mayo 26.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Glenn Hife, Hepe ng Balamban Police Station, na isinugod sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga pasa sa katawan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Hife, sina Kenneth at Mongosera ay parehong lumalangoy sa pool kasama ang kanilang mga kaibigan.

Pero nagalit umano si Kenneth nang mahuli niyang nakatitig sa kanya ang biktima.

“Nasuko ni Si Kenneth kay gitutokan daw siya sa biktima. Wala maka-uyon sa pagsigeg tan-aw, iyang gisumbag,” saad ni Hife.

Tinulungan din ng mga kasamahan ni Kenneth ang paghagupit sa biktima.

Malubhang nasugatan ang biktima dahil tinamaan ng paddle ng mga suspek ang mukha nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe