Monday, November 18, 2024

HomeNews4 na LGUs sa Cebu, tumanggap ng SGLG award

4 na LGUs sa Cebu, tumanggap ng SGLG award

Hindi bababa sa apat na Local Government Units (LGUs) sa Cebu ang nakatanggap ng “Seal of Good Governance” award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa seremonya na ginanap noong Miyerkules, Disyembre 14, 2022.

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal ay ang lungsod ng Talisay at Danao at ang mga munisipalidad ng San Remigio at Sogod sa hilagang Cebu.

Ang mga nasabing LGU ay nakapasa sa assessment na ginawa ng DILG sa usaping financial administration and sustainability, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliance and responsiveness, sustainable education, business-friendly and competitiveness, safety, peace and order, environmental management, tourism, heritage development, culture and arts, at youth development.

Inihandog naman ni Talisay City Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas ang papuri sa mga Talisaynon at sa iba’t ibang department head na tumulong sa kanya upang makamit ang parangal.

Sinabi ni Gullas na katuwang niya ang mga department head sa pagpapabuti ng serbisyo sa lungsod.

Pagpapaliwanag nito, na ang kanilang tagumpay ay hindi magagawa ng isang tao kundi sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ayon sa Republic Act 11292 o ang “The Seal of Good Local Governance Act of 2019”, ang mga LGU ay iginagawad ng selyo kung itinataguyod nila ang transparency for public fund, naghahanda para sa mga natural na kalamidad, nagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan, nagpapatupad ng mga patakaran sa pagpapanatili sa usaping pangkalusugan, at iba pa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe