Saturday, November 23, 2024

HomeNews4 na Korean National na nagpapatakbo ng Illegal POGO, arestado sa Cebu...

4 na Korean National na nagpapatakbo ng Illegal POGO, arestado sa Cebu City

Arestado ang apat na Korean National matapos maaktuhan NA Nagpapatakbo ng Illegal POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa loob ng isang condominium sa Cebu City umaga nitong Biyernes, Agosto 5, 2022.

Kinilala ng mga awatoridad ang mga suspek na sina Taewoong Kang, 42; Jung Ho Won, 41; Kim Dae Hyeon, 36, at Park Ji Sung, 40, pawang mga tubong South Korea ngunit kasalukuyang naninirahan sa isang condominium sa Barangay Lahug, Cebu City.

Ang matagumpay na operasyon at pagkakaaresto ng mga suspek ay kasunod ng pagpapalabas ng Search Warrant laban sa ilegal na aktibidad na may docket no. 218-08-0322-11 at para sa paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998 as amended by RA 11449) na inisyu ni Judge Ramon Daomilas ng Regional Trial Court Branch 11 sa Cebu City.

Agad na sinalakay ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit, sa pangunguna ni Police Captain Sanoy ng CIDG Lapu-Lapu CFU, ang naturang condominium sa Barangay Lahug bandang alas-9 ng umaga na humantong sa pagkakahuli ng mga banyaga.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 11 piraso ng cellphone, 18-unit ng CPU, 14 na piraso ng computer monitor, pitong piraso ng router, 30 piraso ng flash drive, 10 piraso ng memory card, at 120 piraso ng sim card, at iba pa.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nakakulong sa CIDG-7 Lapu-Lapu City Field Unit detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe