Palo, Leyte- Kusang kumalas ang apat na mag-aaral na kaanib ng Underground Mass Organization (UGMO) bilang miyembro ng Youth Sector (Kabataang Makabayan) sa Retooled Community Support Program (RCSP) Team sa Brgy. Jiwaran, Jipapad, Eastern Samar noong Linggo, Hulyo 10, 2022.
Kinilala ng mga awtoridad ang apat na kabataan na sina alyas “Heeyon”, 15 taong gulang, binata; alyas “RG”, 17 taong gulang, binata; alyas “Jenny”, 17 taong gulang, binata, kapwa grade 10 students at si alyas “Lemei”, 15 taong gulang, binata at grade 7 students.
Ang mga nabanggit na estudyante ay nakadalo sa mga seminar, lecture at pagpupulong na isinagawa ng mga kapulisan sa kanilang mga barangay at nagpasyang suportahan ang programa ng gobyerno.
Nasa ilalim na ngayon ng pangangasiwa at monitoring ng RCSP Team sa Brgy. Jiwaran, Jipapad, Eastern Samar ang apat. Dagdag pa ng mga awtoridad, dahil ang mga estudyante ay pawang mga menor de edad, ang PRO 8 ay nakikipag-ugnayan at humihingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development para sa tamang tulong at pagpapayo.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Bernard M Banac, Regional Director, ang walang humpay na pagsisikap ng RCSP teams na naka-deploy sa malalayong lugar ng Eastern Visayas sa pagbawi sa puso ng mga residente sa komunidad na naimpluwensyahan ng maling ideolohiya ng Communist-Terrorist Group.
“Ang ating mga tauhan ng PNP ay itinataya ang kanilang buhay sa pag-abot sa mga lugar na pinamumugaran ng NPA para gabayan at turuan ang mga mamamayan. With this, and some of the accomplishment reports from RCSP, I can say that we are winning against insurgency,” dagdag ni PBGen Banac.