Sunday, October 6, 2024

HomeNews4 na drug suspect, timbog sa drug den sa Cebu City

4 na drug suspect, timbog sa drug den sa Cebu City

Humantong sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto sa apat na drug suspek ang ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA 7 sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City noong Septyembre 1, 2022.

Kabilang sa mga naaresto ang subject at drug den maintainer na si Lourlie S. Guadiana, 27, at ang noo’y mga bisita ng drug den na sina Dennis Parami, 40, Rocky Lequin, 42, at Macbeth Jabedo, 40.

Nakumpiska mula sa naturang operasyon ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 11 gramo na may estimated market value na Php74,800, buy-bust money, at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe