Thursday, December 26, 2024

HomeNews4 na Cebu graduate, pasok sa top 10 ng Medical Technologist Exam

4 na Cebu graduate, pasok sa top 10 ng Medical Technologist Exam

Tatlong medical technology graduate ng Velez College sa Cebu City ang nakapasok sa Top 10 ng March 2023 Medical Technologist Licensure Examination (MTLE).

Parehong nasa pangalawang puwesto sina Nijell T. Potencioso at Khelly Mae B. Villarin na may naitalang rating na 91.90% habang si Leonard Louwin Midel na may rating na 91.30% ay nasa ikapitong pwesto kasama ang tatlo pang examinees mula sa mga paaralan sa labas ng Cebu.

Samantala, pumangatlo naman ang University of Cebu (UC) Banilad campus graduate na si Lhorence Sucano na may rating na 91.80%.

Lahat ng 143 na nagtapos sa Velez College ay nakapasa sa MTLE, kaya nakakuha ang paaralan ng 100% passing rate.

Kabilang pa sa mga paaralang nakabase sa Cebu na nakakuha ng 100% passing rate ay ang Cebu Doctors’ University (95 examinees) at UC Banilad (36 examinees).

Nagkamit naman ang Southwestern University Phinma ng 97.27% passing rate matapos pumasa ang 107 mula sa 110 na examinees nito sa MTLE.

Sa pahayag ni Potencioso ng Velez College noong Miyerkules, Marso 15 na kumuha siya ng MTLE habang nag-aaral siya ng medisina sa sister school ng Velez College, Cebu Institute of Medicine.

Sinabi ni Potencioso na hindi niya agad kinuha ang MTLE pagkatapos niyang makapagtapos ng medical technology noong 2019 dahil abala siya sa pag-aaral ng medisina.

“May 24-hour duties, minsan 18 hours. Kaya ang ginawa ko nag-enroll ako sa isang review center. At least may ilang beses na makakadalo ako at makakuha ng mga notes,” aniya.

Sinabi ni Potencioso na kinukuhanan niya ng litrato ang kanyang mga notes gamit ang kanyang smartphone, at nire-review niya ito sa ospital tuwing may downtime siya.

Sa pagninilay-nilay sa kanyang tagumpay sa MTLE, pinayuhan ni Potencioso ang mga mag-aaral: “Kung talagang gusto mong makamit ang isang bagay, basta’t may tiyaga ka, at naniniwala ka sa iyong sarili, magagawa mo ito.”

“Kung talagang mahal mo ang iyong ginagawa, hindi magiging mahirap ang lahat at mas mabunga ang iyong paglalakbay dahil nag-e-enjoy ka sa iyong ginagawa,” sabi ni Potencioso.

Iniaalay ni Potencioso ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya, kamag-anak, kaibigan at grupo ng paaralan na sumuporta sa kanya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe