Saturday, December 28, 2024

HomePoliticsGovernment Updates4-month feeding program campaign, inilunsad sa Mandaue City, Cebu

4-month feeding program campaign, inilunsad sa Mandaue City, Cebu

Ang Barangay Subangdaku sa Mandaue City ay naglunsad ng 120-araw na feeding program campaign para sa mga batang malnourished habang ipinagdiriwang ng buong mundo ngayong Hulyo ang Nutrition Month.

Si Rebecca Colina, konsehal ng barangay at Chairman ng Committee on Health ng Subangdaku, ay nagsabi sa mga mamamahayag sa paglulunsad noong Biyernes, Hulyo 1, 2022, na ang aktibidad ng pagpapakain ay taunan ng ginagawa ng kanilang barangay tuwing buwan ng Hulyo.

Ang 120-day feeding program ay paraan ng Barangay Subangdako para talunin ang malnutrisyon sa komunidad.

Sa ilalim ng programa, ang mga batang malnourished na natukoy ng mga health personnel sa barangay sa pamamagitan ng survey ay binibigyan ng food packages na naglalaman ng mga prutas, gulay, at iba pang masustansyang pagkain upang matulungan silang makamit ang ideal weight para sa kanilang edad sa loob ng 120 araw (apat na buwan).

Ang mga food package ay diretsong ihahatid sa kanilang mga bahay ng nakatalagang barangay health officer sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Colina na may natukoy na silang 15 mga bata, na orihinal na mula sa 18 noong 2021, na malnourished. Ang mga batang ito ay may edad isa (1) hanggang apat (4) na taong gulang.

Susubaybayan sila ng mga barangay health officials pagkatapos ng feeding campaign para tingnan kung may pagbabago, gaya ng kung bumuti na ang kanilang timbang, ani Colina.

Kapag naabot na ng mga bata ang karaniwang timbang para sa kanilang edad, aalisin sila sa listahan ng mga benepisyaryo para sa feeding program, dagdag pa niya.

Hinimok naman ni Colina at ng iba pang opisyal ng Barangay Subangdako ang mga tao, partikular ang mga magulang ng mga malnourished na bata, na magkaroon ng malusog na pamumuhay sa pinakamabuting paraan, lalo na para sa kanilang mga anak.

“Talagang mahalaga ang tamang nutrisyon para sa ating mga anak, lalo na ngayong tag-ulan. Ang mabuting kalusugan ay kaakibat ng mabuting nutrisyon,” ani Mona Manatad, konsehal ng barangay at Chairman ng Committee on Environment.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1933604/cebu/local-news/4-month-feeding-program-campaign-launched-in-barangay-subangdaku

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe