3ID Disaster Response Teams, bahagi sa nagpapatuloy na Search at Retrieval Efforts sa Negros Oriental

0
25

Bahagi ang mga tauhan ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pamamagitan ng mga line units nito mula sa 11th, 47th, at 62nd Infantry Battalion, sa nagpapatuloy na search at retrieval operations sa mga biktimang naapektuhan ng bagyong Tino noong nakaraanv linggo sa Canlaon City, Negros Oriental.

Nito lamang November 11, 2025, kasama ang Canlaon City Police, Bureau of Fire Protection, at ang Canlaon City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), patuloy ang grupo sa paghahanap sa mga missing individuals na mapa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita matapos ang hagupit ni bagyong Tino sa nasabing lungsod.

Bukod pa sa isinagawang retrieval operations, namahagi rin ang militar ng mga relief packs at pisikal na tulong sa apektadong mga residente gaya na lamang ng road clearing, pagbabantay sa mga evacuation centers at iba pa.

Pinuri naman ni Major General Michael G. Samson, Commander ng 3ID, ang mga awtoridqd sa patuloy na serbisyo nito sa mga apektadong komunidad.

Aniya, “I commend our troops for their tireless service and courage in the face of this disaster. From the moment Typhoon Tino struck, they have worked relentlessly to save lives and bring comfort to those in need. To the people of Negros Oriental, know that your Army will remain by your side—helping, rebuilding, and standing with you until every community has fully recovered.”

Leave a Reply