Tuesday, January 14, 2025

HomePoliticsFormer Rebel News39 Ex-rebel sa Antique, nakatanggap ng food aid mula sa pamahalaan

39 Ex-rebel sa Antique, nakatanggap ng food aid mula sa pamahalaan

Nakatanggap ng food assistance ang nasa 39 former rebel sa lalawigan ng Antique mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 6 nitong darating na Nobyembre 22, 2022.

Ayon kay James Rubino, In-Charge ng End to Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program ng Antique Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), iba pang sampu na mga former rebel ang sumuko nito lamang mga nakaraang buwan.

Lahat ng nasabing mga former rebel ay makakatanggap ng Php5,000 sa unang anim na buwan ng taon, sila ay mula sa mga bayan ng Sibalom, Sebaste at Culasi.

Dagdag pa ni Rubino na simula ngayong taon ang DSWD ay magbibigay na ng food aid sa mga former rebel kada anim na buwan upang masuportahan ang mga ito sa pagsisimula nila ng panibagong pamumuhay kasama ang komunidad.

Sinabi rin niya na simula ng naipatupad ang ELCAC program, ang 49 former rebel ay nabigyan ng livelihood assistance sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) na tinatayang nasa Php20,000 kada miyembro.

Kabilang sa mga proyekto ng programa ang mga sari-sari store, cattle-fattening at hog-raising, na kasalulukuyan pang minomonitor ang malawakang pagpapatupad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe