Nakapagtala ng higit 35,000 indibidwal ang Commission on Elections sa probinsya ng Negros Occidental, matapos nitong buksan ang aplikasyon para sa darating na October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan election.
Ayon kay Ian Lee Ananoria, Provincial Election Supervisor, nagsimula ang registration noong December 12 ng nakaraang taon at nakatakdang matapos sa darating na Enero 31, 2023.
Dagdag pa ni Ananoria na ang 35,801 na nagparehistrong mga indibidwal ngayong taon ay mas mababa lang kumpara sa mga nakaraang Comelec registration.
Samantala, patuloy namang hinikayat ng Comelec ang lahat ng kwalipikadong mga residente na magpa-rehistro na sa kanilang mga opisina habang mayroon pang pagkakataon.