Monday, November 18, 2024

HomeNewsTopnotcher ng 2022 Occupational Therapist Licensure Examinations (OTLE) mula Lapu-Lapu City, makakatanggap...

Topnotcher ng 2022 Occupational Therapist Licensure Examinations (OTLE) mula Lapu-Lapu City, makakatanggap ng cash gift mula kay Ahong

Makakatanggap ng cash gift mula kay Mayor Junard “Ahong” Chan ang residente ng Lapu-Lapu City na kamakailan ay nanguna sa December 2022 Occupational Therapist Licensure Examinations (OTLE).

Nakatakdang makatanggap si Lindy Zalan Jimenez Aviles, 22, ng Php100,000 mula kay Chan.

Si Aviles na nagtapos sa Velez College, ay ang nanguna sa OTLE matapos ilabas nitong buwan ang resulta ng pagsusulit na may kabuuang rating na 83.60 porsyento.

Sa isang pahayag na nai-post sa kanyang Facebook page noong Miyerkules, Disyembre 7, sinabi ni Chan na matatanggap ni Aviles ang cash gift sa sandaling makumpleto at ma-verify ang mga kinakailangan para sa board passer ng lungsod.

“Gusto kong malaman ni Lindy na, bilang ama ng lungsod na ito, ipinagmamalaki ko ang iyong mga nagawa. Dahil sa iyong mga nagawa, binibigyan mo ng karangalan ang ating lungsod,” sabi ni Chan.

Samanatala, sa hiwalay na pahayag mula kay Lapu-Lapu City Councilor Annabeth Cuizon, sinabi nito naging kaugalian na ng Lungsod ang pagbibigay ng parangal alinsunod sa Ordinansa 14-095-2017, o ang National Professional Exam Incentive Ordinance.

Sa ilalim ng ordinansa, ibibigay ng Pamahalaang Lungsod ang mga sumusunod na cash incentives sa mga residenteng makapasok sa Top 10 sa National Professional Examinations: Php100,000 (una); Php90,000 (pangalawa); Php80,000 (ikatlo); Php70,000 (ikaapat); Php60,000 (ikalima); Php50,000 (ikaanim); Php40,000 (ikapito); Php30,000 (ika-walo); Php20,000 (ikasiyam); at Php10,000 (ikasampu).

Makakatanggap din ng Php5,000 cash incentive ang mga residenteng nakapasa sa alinman sa nasabing pagsusulit ngunit hindi nakapasok sa top 10.

Bukod kay Jimenez, apat pang nagtapos mula sa mga unibersidad na nakabase sa Cebu ang nanguna sa OTLE. Sila ay sina Angelica Gabiana Sanchez ng Cebu Doctors’ University na pumangatlo; at Shannen Louise Navidad Villas, Dorothy Ramirez Dizon at Earl Joshua Lao Go ng Velez College na napunta sa ika-7, ika-9 at ika-10 na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe