Thursday, January 23, 2025

HomeUncategorized30th Kauswagan Caravan, idinaos sa Laoang Northern Samar

30th Kauswagan Caravan, idinaos sa Laoang Northern Samar

Nagdaos ng ika-30th Kauswagan Caravan ang mga Provincial Government Unit sa ilalim ng lilim ng ulan na masiglang dinaluhan ng mga mamamayan ng anim na Barangay ng munisipalidad sa Laoang, Northern Samar nito lamang Oktubre 22, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang National Government Agencies, Laoang Local Government Unit, pribadong sektor at mga tauhan ng Northern Samar Police Provincial Office bilang isa sa mga aktibong katuwang ng Kauswagan Caravan at seguridad ng kaganapan.

Humigit-kumulang 3,000 kabahayan mula sa mga barangay Guilaoangi, Tumaguingting, Sto. Niño, Little Vince, San Miguel Heights at Baybay ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyo.

Kabilang dito ang libreng medical check-up, dental services, legal consultation, processing ng national ID at civil registarion, pamamahagi ng mga seedlings, food packs, school supplies, at marami pang iba.

Tiniyak naman ng mga kapulisan ang seguridad sa panahon ng pagdelivery ng serbisyo isama ang route security ng mga delegates at ang Women and Children Protection Desk.

Ang ganitong uri ng programa ay isang mahalagang pagkakataon upang maipadama sa bawat miyembro ng komunidad ang malasakit at pagmamahal.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe