Hindi bababa sa 30 dating rebelde ang nagpahayag ng kanilang interes na okupahin ang socialized housing project ng gobyerno sa Pinabacdao, Samar habang nagsusumikap silang maging normal na mga residente pagkatapos ng mga taon ng armadong labanan.
Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Officer ng Samar na si Alma Austero sa isang panayam sa telepono nitong Biyernes na ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ay walang planong bumalik sa kanilang mga nayon.
“Kakatapos lang nila ng skills at livelihood training. Bukod sa libreng bahay, bibigyan din sila ng mga farm lots para maging productive sila,” dagdag ni Austero.
Ang Peace and Prosperity Village, kung saan tatayo ang 144 na bahay ay nasa Catigawan, isang upland village sa bayan ng Pinabacdao. Ang site ay halos 3 km. malayo sa national road.
Ang lote ay donasyon ng Department of Agrarian Reform habang ang pagpapatayo ng mga bahay ay popondohan ng National Housing Authority.
Sinabi niya na ang paghahanda ng lupa ay patuloy at ang pagtatayo ng mga housing unit ay magsisimula ngayong taon. Ang proyekto ay bahagi ng whole-of-nation approach para wakasan ang lokal na komunistang armadong labanan.
Sinabi ni Austero na wala pa siyang impormasyon sa halaga na magagamit sa proyekto ng socialized housing.
Ang lalawigan ng Samar ay nagnanais na ibalik ang reputasyon nito mula sa magulong lalawigan tungo sa isang mapayapa at maunlad na lugar sa pagtatapos ng isang peace house sa Catbalogan City at isang training facility sa bayan ng Hinabangan para sa mga dating miyembro ng NPA.
Ang dalawang malalaking proyekto ay umaakma sa Local Social Integration Program na idinisenyo upang hikayatin ang iba pang mga rebelde na sumuko sa gobyerno at maging produktibo.
Matapos manatili sa peace house at sumailalim sa skills at livelihood training, ang mga dating rebelde ay may pwede ng lumipat sa Peace and Prosperity Village sa Pinabacdao o bumalik sa kanilang mga dating komunidad.