Thursday, November 7, 2024

HomeNews3 top NPA officials, timbog sa Negros Occidental

3 top NPA officials, timbog sa Negros Occidental

Timbog ang tatlong high-ranking officials ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental nito lamang gabi ng Enero 6, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nahuli na sina Felix Susas Jr., alias “Rigor/Budok,” Secretary ng nabuwag na Northern Negros Front (NNF) at dating commanding officer ng Regional Security Force-Komiteng Rehiyon Negros; si Cherryl Catalogo, alias “Celo,” NFF education staff; at si Jalen Susas, alias “Cristel/Izumi/Cg,” NFF medical and education staff.

Naaresto ang tatlo sa Sitio Pinamactinan, Barangay Cambayobo sa bayan ng Calatrava ng mga tauhan ng 79IB, Regional Mobile Force Battalion 6, 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company, 6th Special Action Battalion ng Philippine National Police-Special Action Force, at ng Calatrava at Toboso Municipal Police Station.

Kabilang sa mga nakumpiska sa kanila ang dalawang .45-caliber pistols na may dalawang magazine at pitong bala ng live ammunition; isang 9mm pistol with magazine, holster at 18 rounds ng live ammunition; apat na rifle grenade; personal belongings; medicine; at iba pang subersibong mga dokumento.
Si Felix Susas ay may standing arrest warrant sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na inisyu ng Guihulngan City Regional Trial Court Branch 64 at kasong homicide sa Silay City.

Si Jalen Susas naman ay may dalawang murder case sa pagkamatay nina Renato Estrebillo noong Agosto 12, 2022 sa Barangay Marcelo, at Barangay Lalong Chairperson na siBenjamin Javoc noong Agosto 26, 2022.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang natitira pang mga miyembro sa kakabuwag lamang na grupo na tuluyan ng sumuko sa pamahalaan upang mamuhay ng matiwasay at malayo sa kaguluhan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe