Tatlong rebeldeng miyembro ng Communist Terrorist Group o NPA ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Catubig, Las Navas, Northern Samar noong Setyembre 2, 2023.
Ang mga sumuko ay kinilalang sina alyas “Sido/Cardo,” 35, magsasaka at residente ng Brgy. Nagoocan, Catubig, Northern Samar; alyas “Okis,” 29; at alyas “Rafael,” 21, kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Epaw, Las Navas, Northern Samar.
Sumuko ang mga rebelde dahil sa gutom, pagod, kawalan ng suporta, at hindi makagalaw ng normal nang dahil sa walang katuturang pakikibaka.