Wednesday, December 25, 2024

HomeRebel News3 NPA patay sa engkwentro sa Canlaon City, Negros Oriental

3 NPA patay sa engkwentro sa Canlaon City, Negros Oriental

Canlaon City – Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa Sitio Natuling, Brgy. Budlasan, lungsod ng Canlaon dakong alas sais y media ng umaga nitong Martes, Hulyo 26, 2022.

Dalawang babae at isang lalaki ang napatay sa 10 minutong engkwentro sa pagitan ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion (IB) at ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na NPA. Bago maganap ang naturang insidente habang ang tropa ng gobyerno ay nagpapatrolya sa kalapit na barangay ng Macagahay, Moises Padilla ay nakatanggap sila ng inpormasyon sa isang concerned citizen na mayroong armadong grupo sa nasabing lugar kayat ito’y kanilang nirespondehan.

Batay sa ulat ng 62 IB, tumagal ng 10 minuto ang engkwentro kung saan nakumpiska ang isang KG9 na may magazine, dalawang kalibre .45 na baril na walang magazine, isang caliber .38 revolver, at mga subersibong dokumento.

Ayon sa commanding officer ng 62nd IB na si Lieutenant Colonel William Pesase ng Philippine Army, walang nasawi sa panig ng mga sundalo at patuloy pa rin ang clearing operations sa nasabing lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe