Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News3 NPA Bombers, patay sa magkaibang Pursuit Operations sa Samar

3 NPA Bombers, patay sa magkaibang Pursuit Operations sa Samar

Samar – Patay ang dalawang lalaki at isang babae na pawang mga kasapi ng teroristang NPA na mga salarin sa pagsabog ng Anti-Personnel Mine sa isang community trail sa Mapanas, Northern Samar na ikinasugat ng pitong sundalo nitong Hulyo 5, 2022.

Gumamit ang militar ng mga drone para matukoy kung saan nagtatago ang mga teroristang NPA at nagbigay impormasyon ito sa mga tropa hanggang sa magkaroon ng engkwentro sa liblib na bahagi ng San Jorge, Samar noong Hulyo 8. Isa pang engkwentro ang naganap sa isang kagubatan malapit sa Barangay Libertad, San Jorge, Samar noong Hulyo 13 bandang tanghali.

Nakuha ng mga tropa ng pamahalaan mula sa 801st Infantry Brigade mula sa encpunter site ang tatlong M16 rifles, isang AK47, at isang shotgun. Kabilang din sa natagpuan ang mga Anti-Personnel Mines (APM), materyales para sa kampanya sa eleksyon, at iba pang mga dokumento.

Sinabi ni JTF Storm spokesperson Captain Ryan Layug na naniniwala silang nakasagupa ng tropa ang mga NPA na mula sa Platoon Yakal ng SRC Browser na sinusubaybayan ng mga tropa mula sa Northern Samar patungo sa timog sa lalawigan ng Samar. Ang Platoon Yakal ay pinaniniwalaang pinamumunuan ng isang “Ka Bart”.

Ipinadala ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Task Force Storm ang S70i Black Hawk helicopter para kunin ang mga bangkay ng tatlong namatay na miyembro ng NPA sa Samar dakong ala-una ng hapon nang Hulyo 12, 2022.

Dahil sa mahirap na daan at masamang lagay ng panahon, nasa stage of decomposition na ang mga bangkay nang i-airlift at dinala sa pulisya para sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). Pagkatapos ay agad namang inilibing ang mga bangkay ayon sa payo ng San Jorge Municipal Health Office.

Nauna nang inihayag ni Major General Edgardo de Leon, ang Commander ng Joint Task Force Storm na walang humpay na pursuit operations ang inilunsad at patuloy ang pagpapadala ng karagdagang tropa at air asset sa Northern Samar para tugisin ang mga bomber ng NPA.

“Natunton sila ng tropa sa tulong ng ating mga makabagong kagamitan. Nagkaroon pa ng series of encounters. Inaasahan namin ang mga susunod pang engkwentro sa mga liblib na kabundukan dahil hindi na rin makalapit ang mga NPA sa mga komunidad para magtago. Sinusuka na sila ng mga taong-bayan dahil sa kanilang mga karahasan,” ani MGen De Leon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe