Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News3 NPA at 4 na kasapi ng UGMO, sumuko sa mga awtoridad...

3 NPA at 4 na kasapi ng UGMO, sumuko sa mga awtoridad sa Leyte

Palo, Leyte- Tatlong aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ng Police Regional Office 8 nitong Hulyo 22, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga sumuko na si alyas “Tekla/Ola/Jessa”, 27 taong gulang, may live-in partner at residente ng Dolores, Eastern Samar. Kasabay ng kanyang pagsuko ang kanyang isang unit caliber pistol (paltik) sa 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company Headquarters, Brgy. Lunang, Dolores, Eastern Samar.

Si alyas “Paolo”, 31 taong gulang, binata, at residente ng Biliran, Biliran. Isinuko din niya ang kanyang isang Ultra Carry 9mm caliber pistol na may pitong live ammunition, kasama niya si alyas “Ka Renato”, 48 taong gulang, may asawa at residente ng Leyte, Leyte. Kapwa sumuko sa Headquarters ng Biliran Mobile Force Company, Brgy. San Roque, Biliran.

Sa parehong araw, sumuko rin ang apat na miyembro ng Underground Mass Organization at tuluyan ng binawi ang kanilang suporta sa NPA.  Sila ay sina (1) alyas Buloy, 53 taong gulang; (2) alyas Lucas, 55 taong gulang; (3) alyas Alma, 42 taong gulang; at (4) alyas Mila, 44 taong gulang, lahat may asawa, mga magsasaka at residente ng Jipapad, Eastern Samar.

Ang apat ay pawang mga miyembro ng Kalalakihan at Kababaihan Sector ng Jipapad, Eastern Samar na personal na pumunta at nagpakita sa Retooled Community Support Program Team ng nasabing munisipyo.

Ang pagsuko at pag-withdraw ng suporta ng mga nabanggit na CTG Members at miyembro ng UGMO ay resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng Executive Order No 70, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng bawat PNP operating unit kasama ang ang Philippine Army.

Pinoproseso na ang kanilang mga dokumento para sa posibleng pag-avail ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na programa ng gobyerno.

Pinuri naman ni PBGen Bernard M Banac, PRO 8 Regional Director, ang mga operating unit para sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa kampanya laban sa insurhensya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe