Jaro, Leyte – Tinuligsa ng tatlong miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) na sumuko sa security forces ng gobyerno sa pamamagitan ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Leyte PMFC noong Setyembre 22, 2022 sa Brgy Macopa, Jaro, Leyte.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Pablo” na residente ng Tacloban City at dating miyembro ng KADAMAY (Kalipunang Damayang Mahihirap); alyas “Toy-toy” na residente ng Capoocan, Leyte at dating miyembro ng PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide) at alyas “Ryan” na residente ng Tacloban City, former member ng SAMAKA (Samahang Malayang Kabataan), ANAKBAYAN (Ang Nagkakaisang Kabataan Para sa Bayan) at KADAMAY (Kalipunang damayang mahihirap) na nasa ilalim ng Underground Mass Organization (UGMO) na kaanib sa Communist Terrorist Group.
Tinuligsa ng nasabing mga indibidwal ang kanilang suporta sa CTG at nangako ng kanilang katapatan sa gobyerno matapos ang patuloy na negosasyon na ginawa ng mga awtoridad ng Leyte na nagsimula noong Hulyo ng taong ito.
Ang makabuluhang tagumpay na ito ay bunga ng aktibong pagpapatupad ng Executive Order No. 70 (ELCAC) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang Information Operation. Higit pa rito, nais nilang makasama ang kanilang pamilya at gusting mamuhay ng simple at normal.