Wednesday, April 2, 2025

HomePoliticsFormer Rebel News3 Former rebel sa Negros Oriental, kabilang sa mga nagtapos sa Alternative...

3 Former rebel sa Negros Oriental, kabilang sa mga nagtapos sa Alternative Learning School

Guihulngan, Negros Oriental- Nagtapos sa Alternative Learning School ang tatlong dating rebelde nitong Setyembre 8, 2022 sa Brgy Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental.

Naging posible ang kanilang pag-aaral sa tulong ng 62nd Infantry (Unifier) Battalion, Department of Education, DepEd Division of Guihulngan City at ng Guihulngan City Task Force to End Local Communist Armed Conflict (GCTF-ELCAC) na siyang nagbigay daan upang mapadali ang kanilang pag-aaral.

Kabilang ang tatlo sa mga nagtapos sa Alternative Learning School sa rehiyon na dumalo sa kanilang graduation ceremony na may temang: “Gradweyt ng K to 12 Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok.”

Lubos naman silang nagpasalamat sa pamahalaan at sa mga ahensya nito na siyang naging daan upang magkaroon sila ng panibagong pag-asa at makamit ang kanilang mga pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.

Source: Philippine Army

RELATED ARTICLES
[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]