Saturday, October 5, 2024

HomeNews3 Drug suspek, timbog sa buy-bust operation sa Lapu-Lapu City

3 Drug suspek, timbog sa buy-bust operation sa Lapu-Lapu City

Kasabay ng matagumpay na pagkakalansag ng isang drug den sa Lapu-Lapu City ay naaresto ng mga operatiba ng PDEA 7 ang tatlong drug suspek sa inilunsad na buy-bust operation noong ika-22 ng Oktubre 2022 sa Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City.

Kabilang sa mga nadakip sa naturang operasyon ay ang subject na si Eufrosino Jaca Jr., 58, balo, at ang mga umano’y bisita ng drug den na sina Jayan Mandawe, 22, at Gerwin Estardo, 21.

Sa nasabing operasyon ay nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang nasa 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php81, 000, buy-bust money, Php240 cash, at mga drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa kostudiya ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe