Saturday, October 5, 2024

HomeNews3 drug suspek kabilang ang isang Foreign National, timbog sa buy-bust operation...

3 drug suspek kabilang ang isang Foreign National, timbog sa buy-bust operation sa Cebu

Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang dayuhan sa loob ng condo sa Barangay Apas, Cebu City sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-7 nitong Martes ng hapon Nobyembre 29, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Ross, 44, British national at web designer; Miraflor Verona, 30, at Jasmin Hyacinth Medez, 19, college student.

Nakumpiska sa operasyon ang walong (8) sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000, buy-bust money, isang cell phone, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe