Inaresto ng mga operatiba ng Talisay City Police Station (TCPS) Drug Enforcement Unit (DEU) ang tatlong katao sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Barangay Dumlog noong Sabado ng gabi, Oktubre 8, 2022.
Una nilang inaresto ang mga suspek na sina Kenneth John Diola, 27 anyos, isang tattoo artist, nakatiras a sa Sitio San Roque, Barangay Basak San Nicolas at Anthony Castro, 47 anyos, taxi driver, mula sa Sitio Jansen, Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.
Ayon kay Police Lieutenant Elwood Ebona, DEU Team Leader, nakuha nila sa dalawang suspek ang 25 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P170,000, base sa karaniwang presyo ng droga.
Sa pagtatanong, itinuro nina Diola at Castro si Raymond Camacho, isang 33 anyos, na dating overseas Filipino worker na nakatira sa Deca Homes Baywalk Talisay Phase 2 sa Barangay Dumlog, bilang kanilang supplier.
Sa kanilang pagtutulungan, nagawa ng DEU na makipagtransaksyon kay Camacho na pumayag na maghatid ng 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P700,000 sa ibang lugar sa Barangay. Pagdating niya sa itinalagang lugar, nagulat siya nang sinalubong siya ng mga pulis at agad na pinosasan.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Randy Caballes, Hepe ng Talisay CPS, si Camacho ay dating police asset ng Cebu City Police Office DEU.
Ayon rito, si Camacho, ay isang sibilyan na maaaring mag-dispose ng 150 gramo ng shabu kada linggo at dating nagpapanggap bilang isang operatiba ng pulisya at nang-aaresto ng mga drug suspek. Ang mga nahuhuli ng suspek ay kanyang kinukuhan ng mga ilegal na droga pagkatapos ay ibinabahagi ang mga nalikom sa kanyang mga kasamahan upang ibenta.
Ang kanyang mga kalokohan ay nagbigay ng masamang pangalan sa Philippine National Police, sabi ni Caballes.
Dagdag pa nito, nakuha umano ni Camacho ang kanyang supply ng ilegal na droga mula sa isang Paul, na isang preso sa Cebu City Jail.
Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1942957/cebu/local-news/separate-buy-busts-in-barangay-dumlog-talisay-city-result-in-arrest-of-3-drug-suspects