Samar- Arestado ang tatlong indibdwal dahil sa pagbitbit ng baril ngayong umiiral ang COMELEC election gun ban.
Nasakote ang tatlong indibdwal na sina Jude Payno, Jastin Ela at Raymond Mancol sa checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Cagsumje Sta. Margarita, Samar ng Sta. Margarita MPS kasama ang iba pang unit ng pulisya.
Nangyari ang insidente alas 2:00 ng madaling araw noong Setyembre 21, 2023.
Nakumpiska sa mga ito ang isang unit ng homemade firearm o mas kilala sa tawag na “Sumpak”, kasama ang isang unit na Yamaha Mio Sporty na walang plaka o dokumento.
Nasa kustodiya na ngayon ng Sta Margarita MPS ang mga naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.