Tuesday, December 24, 2024

HomeNational News2M Views Full Video Footage of NTF-ELCAC Presscon: Sambayanan vs. KABAG

2M Views Full Video Footage of NTF-ELCAC Presscon: Sambayanan vs. KABAG

Sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, muli inupload sa Youtube channel ng Tinig ng Kabisayaan ang video ng full coverage ng press conference ng NTF-ELCAC noong Marso 28, 2022.

Umani ito ng 2 milyon views sa loob lamang ng isang araw sa Facebook page ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI News. Subalit, sa di alam na dahilan, tinanggal kaagad ng Facebook ang naturang video.

Sa naturang presscon, magiting na inihayag ng mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF ang di maitatangging koneksyon ng KABAG Partylists (Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at Gabriela) sa Communist Terrorist Group na CPP-NPA-NDF.

Nanggaling sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas at hindi magkakakilala pero iisa ang sinasabi ng mga nagbalik loob sa gobyerno na mga matataas na opisyal ng CTG: ang KABAG ay itinayo at pinamumunuan ng CPP-NPA-NDF.

Matatandaang nagfile ng kaso ang liderato ng KABAG laban kay Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, NTF ELCAC Spokesperson for Sectoral Concerns dahil sila daw ay nirered-tag ng gobyerno.

Subalit, animo’y nahubaran ng maskara ang mga lider ng KABAG ng paisa-isang magsalita at magshare ng kanilang direktang eksperyensya ang mga dating rebelde ng CPP-NPA-NDF sa pangangampanya ng KABAG at kung paano ito direktang nakakatulong sa pagrerekluta ng mga NPA.

Sinabi ni Jeffrey Celiz “Ka Eric”, 1st nominee ng Sambayanan Partylist na hindi lang press conference ang kanilang gagawin. Handa diumano ang grupo na patunayan ang kanilang mga pagbubunyag sa regular na korte ng Pilipinas.

Ang 11 na mga dating lider ng CPP-NPA-NDF sa kani-kanilang rehiyon ay nanggaling mismo at matataas na opisyal din noon ng KABAG.###

Video Credits to RTVM, Presidential Communications and NTF-ELCAC

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe