Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News29 na Dating NPA, binigyan ng trabaho bilang Forest Guard

29 na Dating NPA, binigyan ng trabaho bilang Forest Guard

Nagtapos sa pagsasanay ang 29 na mga dating miyembro ng New People’s Army sa lungsod ng Borongan upang maging mga forest ranger nito lamang ika-24 ng Setyembre.

Ito ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda, kasama ang 78th Infantry Battalion, Department of Environment and Natural Resources, at City Environment and Natural Resources.

Ang mga dating NPA members ay naging mga deputized environmental warriors ng lungsod upang ipatupad ang mga batas na nagpoprotekta sa kalikasan at labanan ang problema ng insurhensiya. Isa rin itong paraan ng pamahalaan na magbigay ng trabaho sa mga dating rebelde.

Sa loob ng isang taon, tatanggap ang mga deputized forest rangers ng suweldo na Php220 kada araw, at pagkatapos ng isang taon, magkakaroon sila ng salary increase. Ayon kay Mayor Agda, dahil sa kahirapan, marami sa mga taong ito ang napasama sa armadong pakikibaka.

Dahil ang mga ito ay nakatira sa mga malalayong lugar at hindi nabibigyan ng sapat na pansin ng gobyerno, mahalagang tulungan sila sa kanilang mga pangangailangan, tulad ng pagbibigay ng trabaho. Bukod sa trabaho, may plano rin ang pamunuan ni Mayor Agda na bigyan ang mga dating rebelde ng housing assistance.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe