Friday, June 28, 2024

HomeNational News281 wanted na mga indibidwal kalaboso dahil sa National Police Clearance

281 wanted na mga indibidwal kalaboso dahil sa National Police Clearance

Umabot na sa 281 wanted na mga indibidwal sa kasong rape, theft, child at women abuse at illegal drugs sa bansa ang naaresto at nakulong dulot ng pagkuha nila ng police clearance sa pamamagitan ng National Police Clearance System o NPCS mula 2018, iyan ay ayon sa pahayag ni Philippine National Police Chief, Police General Rodolfo S. Azurin Jr.

Ayon sa inilabas na detalye ng Directorate for Investigation and Detective Management, nasa kabuuang 281 wanted person ang naaresto habang nag-aapply ng national police clearance. Sampu sa mga nahuli ay suspek sa kasong rape, lima naman sa kasong murder, 36 ay wanted sa paglabag sa Republic Act 9262 or the Anti-Women and Child Abuse Law, 30 sa kasong theft, habang 11 naman sa kasong palabra sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi rin ni Major Gen. Eliseo DC Cruz, Director, PNP-DIDM, na ang pagkaaresto ng nasabing mga wanted person mula 2018 hanggang Oktubre 31 nitong taon ay isang matibay na indikasyon na epektibo at talagang nakakatulong ang pagkakaroon ng NPCS sa paglaban at pagsugpo sa krimen. Ang NCPS ay mas pinadali at pinabilis na proseso para makakuha ng national certification.

Dagdag pa ng PNP-DIDM, na kasalukuyan ng nakakatulong ang pagkakaroon ng police clearance ng mga Local Government Units sa kanilang mga residente, dahil sa pamamagitan nito mas mapadali ang pagtukoy ng mga kriminal at mga wanted na indibidwal na patuloy pang nagtatago sa batas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe