Saturday, November 23, 2024

HomeNational News28 patay at 10 nawawala dulot ng pananalasa ni Bagyong Paeng sa...

28 patay at 10 nawawala dulot ng pananalasa ni Bagyong Paeng sa Western Visayas

Tinatayang nasa 28 katao ang nasawi habang 10 naman ang nawawala matapos manalasa ang Bagyong Paeng sa Region 6 Western Visayas, ito ay ayon sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Emergency Operations Center (EOC-6) nitong hapon ng Martes, Nobyembre 1, 2022.


Naitala ang pinakamaraming nasawi sa lalawigan ng Antique na may 11 katao; tig-aanim naman sa Aklan at Capiz; habang lima naman sa Iloilo.


Ayon sa ulat, kadalasan sa mga nasawi ay dulot ng pagkalunod sa baha habang ang iba naman ay na-trap sa landslide sa kasagsagan ng bagyo.


Habang umabot naman sa 10 ang nawawala pang mga indibidwal at kasalukuyan pang hinahanap, kung saan anim nito ay mula sa Antique; dalawa mula sa Iloilo; at tig-iisa naman sa Aklan at Negros Occidental.


Samantala, nasa 935 evacuation centers naman ang binuksan sa buong Western Visayas kung saan nakituloy ang nasa 82,611 indibidwal, kabilang na rito ang Aklan kung saan mayroong 4,646 evacuees; Antique na may 22,088; Capiz, 13,991; Iloilo Province, 27,773; Negros Occidental, 14,105; at Guimaras, 8.


Nasa 5,062 kabahayan naman ang naapektuhan ng bagyo sa buong probinsya kung saan 4,550 nito ang partially damaged at 512 ang totally destroyed.


Tinatayang nasa Php22.88 million namang halaga ng food packs, financial assistance at iba pang uri ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-6) sa mga apektadong pamilya sa mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe