Wednesday, December 25, 2024

HomeNews27 LGUs sa Visayas, nakatanggap ng pondo mula sa PCSO

27 LGUs sa Visayas, nakatanggap ng pondo mula sa PCSO

Nakatanggap ang nasa 27 lokal na pamahalaan sa Visayas ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades A. Robles, tinatayang nasa Php11.788 milyong halaga ng tseke mula sa Lotto at Small Town Lottery (STL) Charity Funds ang ibinigay sa naturang mga LGUs nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 25, 2022.

Nakakuha ang probinsya ng Leyte ng pinakamataas na share na nagkakahalagang Php2.175 milyon habang sumunod naman ang probinsya ng Iloilo na nakakuha ng Php1.86 milyon.

Kabilang din sa mga benepisyaryo mula sa Western Visayas ay ang mga bayan ng Banga, Nabas, Numancia, Makato at Malay mula sa lalawigan ng Aklan; Roxas City sa Capiz; lungsod ng Iloilo; at Silay City at Kabankalan City mula sa Negros Occidental.

Sa Central Visayas naman, ang mga benepisyaryo ay mula sa Tanjay City at bayan ng Bindoy mula sa Negros Oriental at Consolacion City sa Cebu.

Habang ang mga bayan naman ng Dolores, Taft, Jipapad, Balangkayan, Balangiga, Can-Avi, at Borongan City sa Eastern Samar; Merida at Tabango sa lalawigan ng Leyte; at ang mga bayan ng Catarman, Allen at Laoang sa Northern Samar ang mga benepisyaryo ng Eastern Visayas.

“Maraming salamat PCSO sa patuloy ninyong suporta sa aming siyudad (Thank you PCSO for your continued support to our city). Rest assured that your support will be extended to our constituents properly. Asahan ninyo rin po na patuloy naming i-encourage ang mamamayan na tangkilikin ang mga produkto ng ahensya,” saad pa ni Tanjay City Mayor Mayor Jose T. Orlino.

Nakasaad sa Executive Order No. 357, na may nakalaang 5 percent share sa 30 bahagdan ng Lotto Charity Fund ang mapupunta sa mga lungsod at bayan habang 2 percent naman ang mapupunta sa probinsya kung saan naibenta ang mga ticket.

Habang sa STL Charity Fund naman, 10 bahagdan ang ibabahagi sa lungsod o bayan, habang 5 percent naman para sa Philippine National Police at provincial government, at 2.5 percent naman ay mapupunta sa congressional district.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe