Friday, November 8, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News25 Former NPA rebels sa Negros Occidental, nakatanggap ng cash at educational...

25 Former NPA rebels sa Negros Occidental, nakatanggap ng cash at educational assistance mula sa pamahalaan

Bacolod City- Nakatanggap ng cash at educational assistance ang 25 former rebels mula sa Lokal na pamahalaan ng Himamaylan City nitong ika-27 ng Setyembre 2022 sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Ayon sa mga awtoridad nakatanggap ang 15 former rebel ng cash assistance na Php10,000 kada isa, habang Php5,000 naman ang natanggap ng 10 pang mga former rebel na piniling magbabalik sa kanilang pag-aaral.

Ayon pa ni Capt. Eduardo Rarugal Jr., Civil-military Operations Officer ng 94IB, Philippine Army, ang naturang grupo ng mga former rebel ay sumuko nito lamang Hulyo ngayong taon.

Dagdag pa niya, na ang mga ito ay dating combatant at mga miyembro ng yunit militia.

Ang pagbibigay ng naturang financial at educational assistance ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office, sa pamamagitan ni Mayor Rogelio Raymund Tongson Jr., kasama si Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, Commander NG 303rd Infantry Brigade, at si Lt. Col. Van Donald Almonte, Commanding Officer ng 94IB.

Nakatanggap din ang nasabing mga former rebel ng food packs, hygiene at home kits mula sa Department of Social Welfare and Development.

Pinuri naman ni Mayor Tongson ang mga awtoridad sa patuloy na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong lungsod.

Aniya: “The local government unit of Himamaylan is doing its best to deliver the basic services and reach these areas. Help is on the way.”

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe