Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsGovernment Updates24 na libong pagsuko ng NPA ay patunay na tagumpay ng NTF-ELCAC...

24 na libong pagsuko ng NPA ay patunay na tagumpay ng NTF-ELCAC – Badoy

ANG halos 24,000 nagsisukong komunistang-terorista ay katibayan ng tagumpay ng “whole-of-nation approach” sa pinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order No. 70 na siya ring bumuo sa National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), upang magbigay daan sa tunay na kapayapaan sa bansa.

Ito ang naging pahayag ng NTF-ELCAC sa pamamagitan ng taga-pagsalita nito para sa Sectoral Concerns at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy sa lingguhang balitaan kahapon, bilang kasagutan sa mga walang basehan na pahayag ng nakakulong at re-electionist na Senador Leila de Lima na sablay ang task force at si Pangulong Duterte sa laban ng mga ito sa mga komunistang-terorista.

“She (De Lima) must have been talking about herself as she is in a desperate situation. She’s not free for being a corrupt. Very unfit for national office,” ang patungkol ni Badoy kay De Lima na ngayon ay nakakulong pa rin sa isyu ng korupsiyon.

At upang maipabatid pa ang tagumpay ng Administrasyong Duterte na pinagmamalaki ni Badoy, iniulat naman ni Navy Captain Navy Capt Ferdinand Buscato, Executive Director ng Task Force Balik Loob, na sa 23,641 nagsisuko na sa pamahalaan, 2,052 ay talaga namang mga ‘violent extremists.’

Ngunit halos lahat sa bilang, ang sabi ni Buscato ay namumuhay na nang maayos matapos na sila ay nagsisuko, at tinulungan ng pamahalaan, kasama ang tiyak nilang mga kabuhayan.

“We are also hoping that the next administration will continue these programs,” ang nasabi ni Buscato.

Magpapatuloy na BDP

Si Director Monico Batle, NTF-ELCAC Action Officer ng Barangay Development Program (BDP),sa kabilang banda, ay nag-ulat na Ang unang batch na 822 barangays na dating pinamunugaran ng New People’s Army (NPA) ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines ay namumuhay na rin ng tahimik at nabuhusan na ng mga proyektong galing sa BDP.

Ang pangalawang batch, aniya, na 1,406 mga barangays sa mga liblib na lugar ng bansa ay makatanggap din ng BDP kahit na ang budget nito ay tinapyasan na ng mga senador mula P20 milyon sa P4 milyon na lamang.

“The Department of Agriculture has agreed to shoulder P12 million intended for farm to market roads which is very important for this barangay even if it is only good for 1 kilometer,” paliwanag pa ni Batle. Ito raw ay para di na bumalik sa pamememeste ang mga komunistang-terorista.

Ang pangatlong batch na mabibiyayaan ng BDP ay kasama rin ang mga barangay na pinamugaran ng NPA kahit noong di pa presidente si Pangulong Duterte.

1,550 ang mga barangay na ito, ayon kay Batle at naniniwala siyang hindi magagalaw o kayang bale-walain ng susunod na Pangulo ng bansa ang programang ito, dahil naisabatas na at naisama na ang mga BDP projects sa General Appropriations Act.

“Kaya dapat matuto tayong bumoto at pumili lalo na ng mga senador,” ang pati Batle na pinatutukuyan ang making pagtatapyas ng mga senador sa BDP budget dahil mahalaga itong paraan para sa inaasam na kapayapaan sa ating mga kanayunan na pineste na ng mga komunistang-terorista sa loob ng limang-dekada nang nakaraan.

Reposted from Police Files Tonite.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe