Saturday, October 5, 2024

HomeNews24-anyos na lalakeng sumagip sa kasamahang nalulunod, binawian ng buhay

24-anyos na lalakeng sumagip sa kasamahang nalulunod, binawian ng buhay

Isang 24-anyos ang nalunod matapos sinubukang iligtas ang kasamahang nalulunod sa Mabinay Spring Lake, Brgy. Tadlong, Mabinay, Negros Oriental.

Kinilala ang Biktima na si “Lendron” 24 taong gulang mula sa Brgy. Tagpo, Bais City, Negros Oriental.

Sa press release ng Mabinay PNP, nangyari ang insidente bandang 3:30 PM noong Hunyo 5, 2022.

Ayon sa inisyal na ulat, ang biktima kasama ang isang nagngangalang “Junjie” 19 taong gulang, ay lumalangoy sa lawa nang biglang sumigaw si Junjie ng tulong dulot ng biglaang pagsikip ng mga kalamnan nito. Sinubukan tulungan ng biktima ang kasamahang nalunod kasama ang mga lifeguard na naka-duty na agad na dinala sa gilid ng lawa.

Habang abala ang grupo sa pagsagip kay Junjie na naunang nalunod, hindi nila namalayang nalulunod na rin pala ang biktima.

Isinugod pa ang biktima sa Mabinay Medicare Community Hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Rimel Von Patula.

Source | https://www.facebook.com/100050636672555/posts/565765521787999

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe