Monday, December 23, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News23 Dating mga Rebelde sa Samar, nag-aplay ng Amnestiya

23 Dating mga Rebelde sa Samar, nag-aplay ng Amnestiya

Dalawampu’t tatlong dating miyembro ng armadong kilusan sa lalawigan ng Samar ang nagsumite ng kanilang mga requirements upang maproseso ang kanilang aplikasyon para sa amnestiya sa pamamagitan ng National Amnesty Commission.

Isinagawa nila ang pagsusumite ng mga requirements sa Amnesty Orientation at Initial Acceptance ng mga Aplikasyon para sa Amnestiya na ginanap sa Headquarters ng 87th Infantry Battalion sa Poblacion 2, San Jose de Buan, Samar nito lamang Disyembre 20, 2024.

Pinangunahan ni Jazmine Odyssa B. Lutao mula sa Local Amnesty Board (LAB) – Catbalogan ang pagtanggap sa mga aplikasyon mula sa mga dating rebelde.

Pagkatapos tanggapin ang mga aplikasyon, nagsagawa si Lutao ng orientation kung saan tiniyak niya sa mga dating rebelde na magiging maayos ang pagproseso ng kanilang mga aplikasyon, lalo na ang mga may kasong kinahaharap.

Inaasahan ng Local Amnesty Board – Catbalogan na madaragdagan pa ang kanilang matatanggap na aplikasyon para sa amnestiya sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, hinihikayat ng Local Amnesty Board ang mga dating rebelde na mag-aplay ng amnestiya upang magpatuloy ang kanilang buhay sa mga komunidad na payapa at walang takot na haharapin ang mga kaso kaugnay ng kanilang pakikilahok sa armadong kilusan.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe