Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Madaue City Field Unit ang nasa 21 guwardya na mula sa isang pivate security agency habang naka-deploy sa isang lote sa Barangay Umapad, Mandaue City kahapon, Abril 25, 2022 dahil sa paglabag sa Commission on Election Gun Ban.
Sabi ng Agent-in-Charge Arnel Pura, naaresto ang mga guwardiya dahil sa kawalan ng COMELEC gun ban certificate of exception ang security forces para magdala ng baril sa panahon ng eleksyon.
“Naa tay napulo ka shotgun (nakumpiska), labing-isang revolver, ilan sa mga baril na ito ay nasira ang mga serial number, lalo na itong mga shotgun,” ani Pura.
Ayon kay Pura, nag-ugat ang kanilang imbestigasyon sa reklamo ng isa sa mga may-ari ng lote.
Aniya, ang lugar ay sinusuportahan umano ng tax declaration at certificate of title mula sa complainant.
Sinabi ng nagrereklamo na mula noong Enero, kinuha ng isang grupo ng seguridad mula sa isang ahensya ang kanilang ari-arian sa pamamagitan ng puwersa.
“At 10 p.m. in the evening, kay wala man sila diri guard kay confident man sila sa kanilang claim diri kay naa man ni mga title, naay tax declarations, gisulod jud aning mga security guard..so in short, naka take full control sila aning area,” sabi ni Pura.
Mula noon, sinabi ni Pura na may pare-parehong reklamo mula sa mga residente bukod sa mga may-ari ng lote na umano’y hina-harass sila ng mga security guard at pinagbabawalan silang makapasok sa lugar.
“Especially after our onslaught atong typhoon Odette, dili gani daw ipapasok ang construction materials para sa kanilang bahay,” ani Pura.
Maliban dito, isinara rin ang national road na isinagawa ng Department of Public Works and Highways malapit sa lugar, na humahadlang sa pagpasok ng mga residente at manggagawa ng DPWH.
Sinabi ni Pura, nang maipasa sa kanila ang reklamo mula sa Department of Justice ay agad silang naglunsad ng surveillance para mangalap ng ebidensya.
Sa surveillance, nakalap ng NBI ang mga complainant ng umano’y harassment, pamimilit at iba pang pagbabanta.
“Mao ning in coordination with the SWAT, with the LGU, was carried out based our pag-possess and carry nila og firearms,” ani Pura.
Dagdag pa ni Pura, na hindi natukoy ang naghahabol ng lote.
Source: https://web.facebook.com/125657870834588/posts/5478333125567009/?_rdc=1&_rdr