Wednesday, February 12, 2025

HomeNews20K Pamilya apektado ng Shearline sa Eastern Visayas

20K Pamilya apektado ng Shearline sa Eastern Visayas

Mahigit 20,000 pamilya ang apektado ng shearline sa Eastern Visayas, ayon sa datos mula sa Office of Civil Defense (OCD) Region VIII.

Sa isang panayam kay Sher Rysiah Saises, OIC ng OCD, tinatayang 20,734 na pamilya o 72,000 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan kahapon Pebrero 10, 2025.

Labindalawang pamilya ang lumikas, at dalawang bahay sa La Paz, Leyte ang ganap na nasira.

Samantala, 110 LGUs ang nagsuspinde ng klase dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Eastern Samar, Leyte, at Northern Samar.

Ayon kay Saises, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OCD sa mga LGU upang bantayan ang mga lugar na madalas bahain at maiwasan ang mas matinding panganib sa pamamagitan ng preemptive evacuation.

Dagdag pa niya, ang OCD, DSWD, at iba pang ahensya ng pagtugon sa sakuna ay handang tumulong sa mga LGU kung kinakailangan.

Iniulat din na nagbigay ang OCD ng 150 sako ng bigas sa City Government of Tacloban, dahil marami sa kanilang mga lugar ang lubhang binaha.

Patuloy namang tumatanggap ang OCD ng damage assessment reports mula sa mga LGU upang makapagbigay ng tamang tulong sa mga apektadong pamilya.

Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/1B5CYJ1Mrh/?mibextid=wwXIfr

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe