Sunday, November 17, 2024

HomeNews20K Food Packs, ipinamahagi sa mga biktima ng Paeng sa Eastern Visayas

20K Food Packs, ipinamahagi sa mga biktima ng Paeng sa Eastern Visayas

Eastern Visayas – Hindi bababa sa 19,746 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga pamilya sa Eastern Visayas (Region 8) na lubhang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.

Sinabi ni DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua, Php12.71 milyong halaga ng FFP ang naihatid sa 14 na bayan at dalawang lungsod sa mga lalawigan ng Northern Samar, Leyte, Eastern Samar, Southern Leyte, at Biliran na apektado ng bagyo.

Sa 19,746 FFP na inilabas ng DSWD noong Martes ng gabi, 3,400 ang naihatid sa bayan ng Lope De Vega, 613 sa Rosario, at 123 sa Catarman sa Northern Samar; 2,000 sa Jipapad at 1,500 sa Oras sa Eastern Samar; 6,450 sa Bato, 3,900 sa Hilongos, 707 sa Hindang, 700 sa Ormoc City, 700 sa Inopacan, 514 sa Baybay City, at 169 sa Mahaplag sa Leyte; 742 sa Bontoc at 137 sa Limasawa sa Southern Leyte; 204 sa Naval at 200 sa Kawayan sa Biliran province.

“One of the recipients of FFPs distribution is Hitawos village in Bontoc town, one of the four villages in Bontoc isolated due to damage access road,” dagdag ni Chua.

Ang bawat FFP na nagkakahalaga ng Php500, ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, dalawang lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachet ng kape, at limang sachet ng energy drink.

Sa ilalim ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang mga lokal na pamahalaan ang unang tumugon, at ang DSWD ay naatasang dagdagan ang mga ito pagkatapos ng mga sakuna.

Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa iba pang miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para mapabilis ang pamamahagi ng post-disaster aid.

Sa rehiyon, ang DSWD ay mayroong stockpile na 25,843 FFPs na inihanda para sa tag-ulan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe