Friday, November 22, 2024

HomeNews209 magsasaka sa Northern Negros, nakatanggap ng land title mula sa pamahalaan

209 magsasaka sa Northern Negros, nakatanggap ng land title mula sa pamahalaan

Tuluyan ng tinanggap ng 209 magsasakang benepisyaryo ang certificate of land ownership (CLOAs) para sa mga lupang sakahan mula sa Department of Agrarian Reform sa dalawang bayan sa hilagang bahagi ng Negros Occidental nito lamang nakaraang biyernes.

Kabilang sa nasabing mga benepisyaryo ang 49 magsasaka mula sa bayan ng Toboso, na nakatanggap ng duplicate copy ng nasa 21.23-hectare na lupang sakahan na dating nasa ilalim ng pangangasiwa ng Danao Development Corp sa Barangay Salamanca ng nasabing bayan.

Sa parehong araw, nakatanggap din ng parehong dokumento ang nasa 40 farmer beneficiaries sa 8.99-hectare ng lupain na dating pagmamay-ari ng Braulio Lumayno sa Barangay Pinapugasan, Escalante City.

Habang 36 namang benepisyaryo ang nakatanggap ng parehong dokumento mula sa 19.44-hectare na lupain sa Barangay Jonob-jonob at Barangay Binaguiohan ng parehong lungsod.

Matatandaang nito lamang Abril 4, nasa 24 magsasaka rin ang naging benepisyaryo ng 7.54-hectare ng ari-arian na dating pagmamay-ari ni Virginia Ferrer matapos matanggap ang mga land title sa Barangay San Isidro, Toboso.

Habang nito lamang Abril 12 at 13, nasa kabuuang 60 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang nabigyan ng land title sa 59-hectare na lupain na dating pagmamay-ari ng nina Gene Ledesma at Rosario Carcueva sa Barangay Libertad at Barangay Paitan sa Escalante City.

Sa ilalim ng programa, ipamamahagi ng pamahalaan ang mga lupaing nasa ilalim ng pangangasiwa nito sa mga kwalipikadong magsasaka at iba pang mga nangungupahan, sa pamamagitan ng certificate of land ownership sa ilalim ng programa na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms ng Department of Agrarian Reforms.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe