Wednesday, December 25, 2024

HomeRebel News2 Teroristang NPA na napatay sa armadong sagupaan sa tropa ng gobyerno,...

2 Teroristang NPA na napatay sa armadong sagupaan sa tropa ng gobyerno, kinumpirma ng mga dating Rebelde ang kanilang pagkakakilanlan

Northern Samar — Kinumpirma ng mga dating Rebelde na sumuko sa 43rd Infantry (We Search) Battalion, Philippine Army ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na Communist NPA Terrorists (CNTs) na si Reynante Sevilla alyas “Santi”, 20 taong gulang, at Nenita Mollis alyas “Ningning”, 33 taong gulang, kapwa mula sa Barangay Balite, San Isidro, Northern Samar.

Kinilala sila bilang mga miyembro ng Sub-Regional Guerrilla Unit, Sub-Regional Committee Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng Communist Terrorist Group na kumikilos sa mga partikular na lugar sa Northern Samar at Samar.

Ang MTF-ELCAC ng San Isidro, Northern Samar na pinamumunuan ni Honorable Ferdinand Avila sa rekomendasyon ng Commanding Officer ng 43IB na may operational jurisdiction ng lugar at ang Chief of Police ng San Isidro-MPS ay agad na nag-utos ng pagbibigay ng kinakailangang tulong tulad ng maayos na libing, tulong pinansyal, at transportasyon kabilang ang seguridad sa mga pamilya ng mga napatay na CNT.

Nakatanggap ang bawat pamilya ng kabuuang Php5,000, 1 sako ng 25-kilos na bigas, at Food Packs na binubuo ng grocery items bilang bahagi ng burial assistance.

Matatandaan na ang mga tropa sa ilalim ng operational control ng 803rd Infantry (Peacemaker) Brigade sa pamumuno ni Brigade Commander, Colonel Perfecto P Peñaredondo, habang nagsasagawa ng combat operations noong Nobyembre 18, 2022, ay pinaputukan ng humigit-kumulang 15 Communist NPA Terrorist sa Brgy. Happy Valley, San Isidro, Northern Samar.

Ito ang nag-udyok sa mga tropa na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang personalidad ng NPA.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Manuel B Degay Jr, Commanding Officer 43IB, “Ang suporta ng lokal na mamamayan sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa presensya ng terorista ng NPA sa lugar ay isang manipestasyon na sila ay nabiktima at natakot ng grupong ito.”

“Consequences may not always have to end in a violent manner if the CNT members will be willing to lay down their arms peacefully and avail themselves of the genuine programs that the government had been offering to Former Rebels. Christmas is fast approaching. Your respective families will be in so much joy this holiday season with you at their side”, dagdag pa ni Ltc Degay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe