Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsGovernment Updates2 Storey School-Based Multi-Purpose Teen Center, nakatakdang itayo sa Iloilo City

2 Storey School-Based Multi-Purpose Teen Center, nakatakdang itayo sa Iloilo City

Nakatakdang itayo ang Php11.65 milyong 2-storey school based multi-purpose teen center sa Iloilo City National High School sa Iloilo City.

Ang nasabing gusali ay inaasahang magbibigay daan sa pagkakaroon ng iba’t ibang mga programa gaya ng psycho-social at youth development programs na tiyak na makakatulong sa kabataan upang mas magkaroon ng tiwala sa sarili at maging responsableng mamamayan sa bansa.

Ayon kay Governor Arthur Defensor Jr., ang naturang teen center sa Iloilo NHS ay alinsunod sa programang “Bulig Eskwela sang Probinsya (BES PROBINS)” ng lokal na pamahalaan ng Lalawigan ng Iloilo, na may layuning mas paigtingin pa ang suporta sa lahat ng mga mag-aaral at kabataan sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.

Aniya: “We are not only concerned with the education in the four corners of the classroom. We are very concerned about your social life and psycho-social well-being. And we want our programs that deal with that to find a home in our teen center.”

Ang gusali ay inaasahang maging tirahan ng Adolescent Health and Youth Development Program (AHYDP) at Program for the Resilience of Iloilo in Mind and Emotion (PRIME) ng lalawigan.

Samantala, inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng lalawigan na makapagpatayo pa ng nasa Php35 milyong mga gusali sa 10 paaralan sa lalawigan ngayong taon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe